KAGANDAHAN LYRICS – BEA ALONZO (BETTY LA FEA THEME SONG )

OPM Lyrics By: Bea Alonzo

Ang tao madaling humusga
Mahirap mabuhay sa isang mapait
At mundong kay lupit
Kapintasa’y laging nakikita

Pinipilit na hindi maalis
Ang tiwala sa puso’y nananatili
Kailanma’y ‘di susuko ang pagkatao
Darating din ang araw na hinihintay ko

Kagandahan ang tunay mong makikita
Sa puso ‘yan ang mas mahalaga
‘Wag magpadaya sa nakikita
Lahat ng iya’y lilipas lang

Kagandahan ng puso tapat kailanman
Umasa hindi ka masasaktan
‘Di iiwanan magpakailanman
Ang tunay na kagandahan

Karamihan nagkukunwari
‘Pag nakaharap sa akin nakangiti
Kasalanan ko bang pangit ang iyong nakikita

Kumukupas ang gandang panlabas
‘Di lilipas kaloobang wagas
Aking tatanggapin ganda’y “di sa akin
Busilak na puso’y “di kayang kunin

Kagandahan ang tunay mong makikita
Sa puso ‘yan ang mas mahalaga
‘Wag magpadaya sa nakikita
Lahat ng iya’y lilipas lang

Kagandahan ng puso tapat kailanman
Umasa hindi ka masasaktan
‘Di iiwanan magpakailanman
Kahit ‘di yan ang kagandahan
Sa puso lang ang tunay

Leave a Comment for KAGANDAHAN LYRICS – BEA ALONZO (BETTY LA FEA THEME SONG )

Entertainment | OPM Lyrics | Jobs | Quotes | Poems | PCSO LOTTO Results | Recipes
| Home | About Us | Acknowledgment | Advertisement | Contact Us | Extras | Services | Chat Rooms |
 
Powered by Wordpress , Hosted by Mobilehive.Com
Copyright  2007-2008 Pwedeh.Com , All Rights Reserved.