BEEF PATTY RECIPE
Food Tagalog Recipe: Beef Patty
¾ kilo giniling na baka
1 itlog, binati
2 hiwa ng hamon, tinadtad
½ tasa breadcrumbs
¼ tasa sibuyas na mura, tinadtad
¼ tasa parsley, tinadtad
¼ tasa keso, ginadgad
asin at paminta
1 lata condensed cream of mushroom soup
1/3 tasa tubig
Painitin ang oven sa 350F at pahiran ng mantika ang baking pan.
Paghaluin ang unang 7 sangkap. Timplahan ng asin at paminta.
Idagdag ang ¼ tasa mushroom soup. Haluing mabuti.
Ikorte ang patties at ilagay sa baking pan.
Idagdag ang tubig sa natirang soup at ibuhos sa ibabaw ng patties at ilagay sa oven.
Archived under Filipino Recipes Tagalog Version Pinoy Meat Recipes Comments
