BATSOY NA MAY MISWA (BACHOY) , FILIPINO RECIPES TAGALOG

Filipino Recipe: Batsoy Na May Miswa (Bachoy)

Style I

¼ kilong lamang loob ng baboy
5 guhit na lapay
¼ na puswelong sibuyas na mura (hiwa-hiwang maliliit)
1 sibuyas (hiwang panggisa)
2 butil na bawang
1 puswelong miswa
3 puswelong sabaw-sinaing
Kapirasong luya               

Igisa ang bawang, luya at sibuyas. Isunod ang lamang-loob at lapay na hiniwa nang maliliit. Timplahan ng kaunting patis. Makaraan ang ilang sandaling pagkulo, sabawan ng kaunting tubig. Takpan at hayaang kumulo. Kapag malambot na ang mga sahog, ibuhos ang sabaw-sinaing at sibuyas na mura. Pakuluin nang ilan pang sandali bago ihalo ang miswa, kapag malapit nang hanguin. Tikman at kung matabang pa sa panlasa ay dagdagan ng asin. Sandali lamang pakuluin at hanguin na upang hindi gaanong malusaw ang miswa.

Style II               

Katulad din ng Style I ang mga sahog; lamang , sa halip na miswa ay dugo ng baboy (buo at hiniwa-hiwang sinlaki ng lapay) ang isasama. Huling ihuhulog ang dugo ng baboy. 

FILIPINO RECIPES | PINOY RECIPES | TAGALOG RECIPES 

 

 

1 Comment for BATSOY NA MAY MISWA (BACHOY) , FILIPINO RECIPES TAGALOG

  1. July said,

    September 21, 2011 @ 7:26 am

    maraming salamat po

RSS comments feed· TrackBack URI BATSOY NA MAY MISWA (BACHOY) , FILIPINO RECIPES TAGALOG

Leave a Comment for BATSOY NA MAY MISWA (BACHOY) , FILIPINO RECIPES TAGALOG

Entertainment | Jobs | PCSO LOTTO Results | Recipes
 
Powered by Wordpress , Hosted by Mobilehive.Com
Copyright  2007-2008 Pwedeh.Com , All Rights Reserved.