MANOK NA MAY GISANTES , FILIPINO PINOY RECIPES TAGALOG

Filipino Recipe: Manok na may Gisantes 

1 katamtamang laking manok
1 ulong dinikdik na bawang
2 sibuyas, hiwain
6 na kamatis, hiwain
1 maliit na latang gisantes
3 kutsarang mantika
1 kutsaritang asin
1/8 kutsaritang paminta
2 kutsarang toyo
2 tasang tubig

Linisin at hiwain ang manok. Hiwain sa walong piraso at hugasang mabuti. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Pakuluin at hinaan ang apoy. Ipagpatuloy ang pagluluto hanggang lumambot ang manok. Timplahan ng asin at toyo. Pakuluin at hinaan ang apoy hanggang sa lumambot ang manok. Salinan ng tubig. Pagkulo, ihalo ang gisantes. Lutuin ng sampung minuto. Timplahan ng paminta at ihain.

Brown sauce

2 kutsarang asukal
1 ½ kutsaritang toyo
1 kutsarang asin
1 tasang sabaw ng nilaga
1 ½ kutsarang cornstarch (tunawin sa 2 kutsarang tubig)
1 kutsaritang bawang, tadtarin ng pino

Pagsama-samahin ang asukal, toyo, asin at sabaw. Pakuluin. Isama ang cornstarch na tinunaw at haluin ng haluin hanggang lumapot ang sarsa. Lutuin sa ibabaw ng mahinang apoy sa loob ng isang minuto. Ihaing may tinadtad na bawang sa ibabaw. 

FILIPINO RECIPES | PINOY RECIPES | TAGALOG RECIPES  

 

 

Leave a Comment for MANOK NA MAY GISANTES , FILIPINO PINOY RECIPES TAGALOG

Entertainment | Jobs | PCSO LOTTO Results | Recipes
 
Powered by Wordpress , Hosted by Mobilehive.Com
Copyright  2007-2008 Pwedeh.Com , All Rights Reserved.