MENUDO SPECIAL , FILIPINO RECIPES TAGALOG
Filipino Recipe: Menudo Special
Mga Sangkap:
1/2 kilong baboy
1/4 kilong atay
2/3 puswelong garbanso
2 sibuyas
2 patatas (karaniwang laki)
2 kamatis
1 siling pula (malaki)
2 butil na bawang
Toyo , atsuwete , asin
Kalahating pulgadang pakuwadrado ang gawing hiwa sa baboy at atay, gayon din sa patatas. Pino ang hiwa sa sibuyas at kamatis. Pahaba at manipis nang bahagya ang hiwa sa sili. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Isunod ang baboy at makaraan ang ilang sandaling pagkulo sa mantika ay timplahan ng kaunting toyo. Takpan at hayaang kumulo nang ilang sandali bago sabawan ng isang puswelong tubig at saka palambutin. Isama sa pagpapalambot ang sili upang lumasang mabuti sa salsa. Papulahin sa pamamagitan ng katas ng atsuwete. Kapag malapit nang lumambot ang baboy, ihulog ang patatas at garbansos. Ang garbansos ay dapat munang ilaga at alisan ng balat. Sa huli ang paghuhulog ng atay at hustuhin na ang timpla nang naaayon sa panlasa. Ilang sandaling pagkulo lamang ay hanguin na upang hindi tumigas ang atay.
FILIPINO RECIPES | PINOY RECIPES | TAGALOG RECIPES
jaine christinette m. eso said,
August 21, 2011 @ 12:51 pm
di ba un mapa2nis kpag may kmtis?
JESEL said,
October 1, 2011 @ 11:12 pm
I THINK THIS PAGES HELP ME A LOT IT HELP ME TO LEARN MANY RECIPES THAT I CAN COOK WHEN I DON’T HAVE THINGS TO DO AT HOME.NOW I CAN COOK FOOD FOR MY FAMILY AND LOVE ONES.